Wednesday, January 13, 2010
Ganito na ba katigas ang ulo natin?
Napakahirap ba? O baka kinequestion nyo kung bakit kailangan mag park na paharap? Simple lang yan kapatid; ang tambucho ng sasakyan ay nasa likuran. Kapag bumuga ang iyong tambucho at tumama sa puting pader, mangingitim ang pader. Maawa ka naman sa maintenance dahil mas madaling pumarada na paharap kaysa mag kuskos ng pader.
Sa ibang balita:
May nasagasaan nanaman daw sa ilalim ng pedestrian overpass sa Commonwealth. Ika-siyam na siyang naging biktima ng ganitong insidente.
Eto medyo seryoso ito, buti nalang hindi namatay yung tao. Kaso bakit ka naman kasi tatawid sa ilalim ng pedestrian overpass? Para saan ba yung overpass na yun? Marahil ay mangangatwiran kang may mandarambong sa taas at baka ikaw ay ma-hold up. Marahil nga meron, at baka swertehin ka naman at wala. Subalit, ako ay nakasisiguradong mayroong hindi kakaunti sa limang rumaragasang sasakyan sa ibaba na hindi inaasahang may tatawid. Ngayon, sa iyong palagay, saan mas ligtas dumaan?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Tama.. Kung saan may karatulang bawal umihi e dun ang lugar na pinakamapanghi.. haha!
ReplyDelete