Thursday, January 14, 2010

Mayweather = duwag.


Kung ikaw ay isang Pinoy, sigurado akong nakatanggap ka na ng ganitong larawan or isang larawan na katulad nito sa iyong email. Pero bakit nga ba siya tinawag na duwag?

Kumpirmado nang hindi matutuloy ang laban dahil sa kaartehan ng kampo ni Mayweather. Napakaraming hinihingi, ihi, dugo, dugo ulit, dugo nanaman bago lumaban, dugo pagkatapos lumaban, at kung ano ano pa. Kapag pinagbigyan ni Ginoong Pacquiao ang kanyang kahilingan, pustahan tayo hihingi pa yan ng karagdagang kung ano mang maisip nya. Pati balat, dura, ebak, at bigas na kinakain ni Manny mapag-iisipan pa nyang ipa-suri. Ang punto ko lang dito ay wala nang katuturan yung mga hinihingi nya.

Kung totoo yung kanyang pagmamayabang na napakadali daw niyang matatalo ang ating pambansang kamao, bakit medyo nag-iinarte sya ngayon? Mabuti pa ay mag-retire nalang siya ulit.

No comments:

Post a Comment