Sunday, January 17, 2010

Sinungaling na salamin!

Malabo ba? Mas malabo pa sa basag na salamin? Oo malabo nga dahil marunong na magsinungaling ang salamin ngayon.

Kung kayo (or ang inyong GF/misis/nanay) ay mahilig mag-shopping ng damit sa mall, subukan ninyong pansinin ang mga salamin sa mga tindahan ng damit. Mukha kayong matangkad at payat dito. Sa aking palagay ay sinasadya nila ito upang magmukhang maganda o bagay sa inyo ang kasuotan na kanilang tinitinda. Magugulat ka nalang pag harap mo sa salamin ng fitting room or kung saan man at masasabing "Wow! Mukha akong payat/sexy/macho dito!".

Akala ko noon ay sa tindahan lang ng damit na pambabae nangyayari ito ngunit pati pala sa panlalaki ay ganoon na rin. Kahit sa gym ganoon din! Magugulat nalang kayo pag nakita niyo na ang mga litrato galing sa mga camera dahil ang inyong nakita na magandang anyo sa salamin ay hindi pala ganun ka-ganda.

No comments:

Post a Comment